Iba't Ibang Uri ng Watawat ng Pilipinas Kasaysayan at Kahalagahan

Iba't Ibang Uri ng Watawat ng Pilipinas Kasaysayan at Kahalagahan

Ang bandilang Pilipino ay nilikha ng madugong pakikibaka. Ginawa ito ng magigiting na kaanib sa mapaghimagsik na Katipunan ni Bonifacio, na siyang nanguna sa pakikipaglaban sa Espanya.

Nang una, ang bandila nati’y binubuo ng kayong pula na siyang sagisag ng dugo ng mga kaanib sa Katipunan, bilang tanda ng kanilang pagtatanggol sa Inang-Bayan. Ang araw ay nangangahulugan ng pagsibol ng bagong bansa, kaya’t sa gitna ng tinurang araw ay may isang titik na K na ang katuturan nama’y Kalayaan.

Kasaysayan%2Bng%2BWatawat%2Bng%2BPilipinas.gif?strip=all alt= - Iba T Ibang Uri Ng Watawat Ng Pilipinas Kasaysayan At Kahalagahan />

Nagkaroon pagkatapos ng iba’t ibang hugis, na ang lalong tanyag ay ang kina Heneral Pio del Pilar at Gregorio del Pilar. Ang balangkas ng mga bandilang ito’y siyang pinagtularan ng ngayo’y puting triyanggulo, na may dalawang guhit na paayun, araw, at mga bituin.

Panunumpa Sa Watawat Ng Pilipinas

Ang maningning na tandang ito na buong pagwawaging iwinagayway noong unang taon ng Himagsikan ay natiklop noong ika-27 ng Disyembre, 1897, nang lagdaan ang kasunduan sa Biyak-na-Bato bilang pagtatabi ng tabak ng paghihimagsik.

Isang muling pagbabago ang ginawa ng Kapulungan sa Naik sa ating bandila noong ika-17 ng Marso, 1897, nang ang K ay alisin sa gitna ng Araw.

Ang bandila ngayon ay kahugis noong sa 1898, na ginawa’t pinagtibay ng Junta Patriotica, sanggunian ng mga tapong Pilipino sa Hongkong, at dinala sa Pilipinas ni Heneral Emilio Aguinaldo noong ika-19 ng Mayo, 1898. Sa maraming paglalabanang sumunod, nang magbalik ang mga Pilipino sa kanilang lupain, ang bandila, na lalong naging makahulugan sa pagkakaragdag ng tatlong bituing kumakatawan sa tatlong malalaking pulo ng Pilipinas, ay buong tagumpay na iwinagayway ng ating hukbo ng Himagsikan.

National Football Team Netherland Vs Ecuador, World Cup, Fifa World Cup, Qatar World Cup Png And Vector With Transparent Background For Free Download

Ang bandilang ito ay siya nang kinikilalang watawat ng Republika Pilipina noong ika-12 ng Hunyo, 1898, sa Kawit, Kabite. Siya na ring sumaksi’t nagpatibay sa pagpapasinaya ng Republika sa Malolos, Bulakan, noong ika-23 ng Hunyo, 1899. Ito na rin ang sumaksi sa pagwawagi’t pagkatalo ng mga Pilipino sa Digmaang Pilipino-Amerikano hanggang sa mahuli si Aguinaldo sa Palanan, Isabela, noong ika-23 ng Marso, 1901.

Sa loob ng mga unang taon ng kapangyarihang Amerikano sa Kapuluan, ang paglaladlad ng bandilang Pilipino ay naging sanhi ng di pagkakaunawaan, kaya’t ang Komisyon, noong ika-23 ng Agosto, 1907, ay nagpatibay ng batas Big. 1696, na kilala sa tawag na Batas sa Bandila na nagbabawal ng paglaladlad ng bandilang Pilipino sa alin mang pook kahit sa tahanan. Tuwing magbubukas ng pulong ang Batasan, mula noong 1908 hanggang 1914, ang mga lider na Pilipino ay gumagawa ng hakbang na tungo sa ikawawalang-halaga ng tinurang batas. Nagtamo sila ng tagumpay tungkol dito noong ika-22 ng Oktubre, 1919, na panahon ng Gobernador-Heneral Francis Burton Harrison.

Ang pagkapabalik ng bandilang Pilipino ay nangahulugan ng pagkilala sa pagka-bansa ng Pilipinas, kaya’t sa kasalukuyan, ang ating bandila na sagisag ng bagong kalayaan, at ng bagong bansa, ay hindi kapiling na nakawagayway ng bandilang Amerikano.Sa mga pambansang dambana, mga monumento, at maraming lugar sa Pilipinas, mayroong mga katuwang ang pambansang watawat ng Pilipinas na iba pang mga bandila na popular na tinatawag na “Evolution of the Philippine Flag.”  Subalit tila ito ay may kamalian.  Ang sampung bandila na pinagsama-sama at inilabas bilang isang serye ng commemorative postage stamp sa nasabing pangalan noong 12 Hunyo 1972 ay sa katunayan, hindi nagpapakita nang pag-inog ng bandila sa kasalukuyang hitsura.

Chile And Malaysia Hi Res Stock Photography And Images

Ayon sa isang panayam sa Magandang Gabi Bayan sa panahon ng Sentenaryo noong 1998, binanggit ni Ambeth Ocampo na ang mga ito ay “hindi bandera ng isang bansa, ” kundi “mga bandera ng Rebolusyong Pilipino.”  Sa nasabing programa sinabi rin ni Dr. Augusto de Viana na noon ay nasa Pambansang Suriang Pangkasaysayan (ngayo’y National Historical Commission of the Philippines), ang mga bandilang ito “represent the Katipunan” (Valentin 1998).  Ang mga bandila ay nagpapakita ng iba’t ibang watawat ng mga balanghay ng Katipunan at sa katunayan, marami pa ang hindi naisama. 

-

Marami sa mga bandilang ito na lumaganap noong Himagsikang 1896-1898 ay may tatlong letrang “K” para sa pangalan nang samahang mapanghimagsik, “Kataastaasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” na nasa telang pula.  Isa na rito ang KKK na nakaayos bilang tatsulok, isang simbolo ng Katipunan.  Nariyan din ang personal na bandila ni Andres Bonifacio, ang Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan, na may araw na walang partikular na bilang ng sinag na may KKK sa ibaba nito na kanyang ginamit sa mga unang sigaw ng himagsikan sa Balintawak at Pinaglabanan noong Agosto 1898.  Nariyan din ang itim na bandilang ginamit ni Hen. Mariano Llanera sa Labanan sa San Isidro, Nueva Ecija na letrang K na may bungo, kaya nakilala sa tawag na “Bungo ni Llanera.”  Ang pulang bandila ni Hen. Pio del Pilar, na kilala bilang isa sa mga nanguna sa pagpatay sa magkapatid na Bonifacio noong 10 Mayo 1897, na may puting tatsulok na nakaayos tulad ng kasalukuyang bandila, kung saan nakapaloob ang bukang liwayway ng araw na may walong sinag sa isang bundok at napapalibutan ng tatlong letrang K na tinawag na “Bandila ng Matagumpay, ” at ginamit noong 11 Hulyo 1895.  At ang pula, asul at itim na bandila ni Hen. Gregorio del Pilar na ibinatay niya sa bandila ng mga mapaghimagsik na Cubano na kaagapay nila sa paglaban sa kolonyalismo.

May mga bandila rin na napabilang na ayon sa eksperto sa bandila na si Emmanuel Baja ay walang konkretong ebidensyang pangkasaysayan.  Ito ang bandilang may disenyong araw, may walong sinag at may K sa baybaying Tagalog; at ang bandilang may disenyong araw, may walong sinag na may mukha (mythological sun).  Ayon sa historyador mula sa Polytechnic University of the Philippines na si Samuel Fernandez, sa pagsasama ng araw na walong sinag ni Aguinaldo at baybaying K ni Bonifacio, ang mga bandilang ito ay “bogus mestizo flags.”  (Valentin 1998).  Napagkakamalian ang huling nabanggit na disenyo bilang ang bandilang ibinaba matapos ang Kasunduan sa Biak-na-bato na iginuhit ni Hen. Artemio Ricarte (Villanueva, Santiago at Prado 1988, w. ph.), bagama’t ang bandilang nasa dibuho ay iba ang disenyo ng sinag at walang partikular na bilang ito.

Ang Pambansang Awit At Watawat Ng Pilipinas

Ang pagbaba ng tunay na disenyo ng bandila ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biak-na-bato sa guhit mismo sa alaala ni Heneral Artemio Ricarte.

Ang bandila sa kanan ay mas malapit sa hitsura ng bandilang ibinaba sa Biak-na-bato na iginuhit ni Hen. Ricarte na hindi napabilang sa mga Bandila ng Himagsikang Pilipino. Ito kaya ang bandilang talagang nais tukuyin ng mga nagdrowing ng araw na may walong sinag o araw ni Bonifacio na may letrang K sa baybayin aka Magdalo flag? (Sa kagandahang loob ni Dr. Luis Camara Dery, ang painting ni Aguinaldo ay mula sa Armed Forces of the Philippines Museum)

PARA

Sa aking obserbasyon, may bagong bogus mestizo flag na dulot din ng kalituhan ukol sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato at ng isang pangyayari sa ating kapanahong kasaysayan.  Sa isang seryosong websayt sa Kasaysayan ng Pilipinas inilabas bilang bandila ng Magdalo sa Cavite ang araw na walang partikular na bilang ng sinag ni Bonifacio na may baybayin na K sa loob nito.  Sa katotohanan, ito ay bandila ng pangkat ng mga sundalo na pinamagatang “Bagong Katipunan” na nag-alsa sa Oakwood noong 2003, na dahil sa kanilang bandila ay tinawag na may kamalian ng media na “Magdalo.”  Ang pagkakamaling ito ay kabilang na ngayon sa mga bakal na representasyon ng mga bandila ng Katipunan sa mga bakod ng monumento sa Balintawak Clover Leaf sa Lungsod Quezon!!!

Word Poetry Challenge #5

Kahunghangan na tinawag itong “Magdalo” ng press dahil pinaghalo nito ang araw sa War Standard ni Bonifacio sa baybaying “K” sa bandilang ibinaba sa Biak-na-bato.

Ayon kay Prop. Ian Christopher Alfonso ng Center for Bulacan Studies at Holy Angel University, nailathala na rin daw ito sa isang teksbuk sa kasaysayan.  Nawa po ay maiwasto ang kamaliang ito.Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas, na tinatawag din na Taong Bituin at Isang Araw, ay isang pahalang na watawat na may dalawang magkasingsukat na bahagi na bughaw at pula, at may puting pantay na tatsulok sa unahan. Sa gitna ng tatsulok ay isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag, na kumakatawan sa unang walong mga lalawigan ng Pilipinas na nagpasimula ng himagsikan noong 1896 laban sa Espanya; at sa bawat taluktok ng tatsulok ay may gintong bituin, na ang bawat isa ay kumakatawan sa taong pangunahing rehiyon - ang Luzon, Visayas, at Mindanao; ang gitnang bituin naman ay orihinal na tumutukoy sa Panay.

Ang haba ng watawat ay palaging katumbas ng dobleng lapad nito, na nagbibigay ng proporsyon nitong 1:2. Ang haba naman ng mga giliran ng puting tatsulok ay katumbas ng lapad ng watawat. Ang bawat tala ay nakaikwas sa paraang ang bawat dulo nito ay nakatapat sa taluktok kung saan ito matatagpuan. Ang araw naman, na hindi eksaktong nasa gitna kundi nakagilid pakanan ng kaunti, ay mayroong walong bigkis ng mga sinag na mayroong sinag-mayor na doble ng kapal ng sinag-menor. Ang mga pagitan ng walong sinag ay kasinlaki ng isang bigkis ng mga sinag,

Ang

Para Sa Flag Day: Watawat Ni Trillanes Nakahanay Na Sa Mga Bandila Ng Himagsikang Pilipino!!!

Ang pagkakabughaw sa watawat ay nagkaiba na sa paglipas ng panahon. Lazuli Rosco ang sinasabing orihinal na kulay ng bughaw sa watawat, ngunit ang pinagmulan ng mismong kulay na ito ay hindi natitiyak, ngunit maaaring nagmula daw ito sa pagkakabughaw ng watawat ng Kuba, na sinasabing naging batayan ng dibuho ng watawat.

Samantalang 1955 naman nang italaga ng Pambansang Suriang Pangkasaysayan (National Historical Institute) na kaparis ng mga kulay ng watawat ng Estados Unidos ang mga kulay sa watawat ng Pilipinas.

Taong 1985 nang ipag-utos ni

Watawat Ng Pilipinas

LihatTutupKomentar