Mga Sanggunian sa Paghahanap ng Impormasyon Paggamit at Pagtatasa

Mga Sanggunian sa Paghahanap ng Impormasyon Paggamit at Pagtatasa

Hanguan primarya (ayon kay Mosura, et al. 1999) a. Mga indibidwal o awtoridad, b. Mga grupo o organisasyon, c. Mga kinagawiang kaugalian, d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento,

3 Hanguang Sekondarya a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas, b. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter, c. Mga tisis, disertasyon, at pag-aaral sa pisibility, nailathala man, ang mga ito o hindi at, d. Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

SanggunianPagtatasa />

Electroniko o sa alin mang panig ng mundo. Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telepono.

Pagsasaayos Ng Dokumentasyon Handouts

Gaano kahalaga ang impormasyong manggagaling sa internet? Anu-ano ang sukatan ng kahalagahan nito? a. Anong uri ng Wesite ang iyong tinitingnan? 1. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula sa institusyun ng edukasyon o akademiko Halimbawa: 2.Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa komersyo o bisnes. Halimbawa: columbus.org

6 3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalaan. Halimbawa: b. Sino ang may-akda? Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa internet nang sa gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumlpeto. Kadalasan kasi ay walang kalakip ng impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at kwalipikasyon.

C. Ano ang layunin? Alamin ang layunin ng may-akda kung bakit nagliunsad o naglabas ng website. Nais bang magbahagi ng impormasyon o magbenta lamang ng produkto? d. Paano inilahad ang impormasyon? Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung my bias at prejudice ang teksto. e. Makatotohanan ba ang teksto? Alamin kung opisyal o dokyumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang website nang sa gayo’y maikumpara ito sa iba nang matimbang kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi.

Pangangalap Ng Mga Datos, Impormasyon At Sanggunian

F. Ang impormasyon ba ay napapanahon? Marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling rebisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi. Pangangalap nga mga Impormasyon o Datos Una, tukuyin kung anong uri ng impormasyon o datos ang kailangan gayundin ang klasipikasyon kung saan maaaring matagpuan ito sa silid-aklatan. Halimbawa ng isang talaan sa pangangalap ng datos: Tanong: Ano ang obsesyon?

A. Impormasyong hahanapin 1. pagkakaiba o pagkakatulad sa hilig, gusto at adiksyon 2. kailan masasabi na may obsesyon b. Mga posibleng sanggunian 1. ensayklopedia, aklat sa medisina at sikolohiya 2. mga artikulo at kolum sa pahayagan at magasin 3. mga artikulo sa mga propesyunal na journal 4. panayam sa mga eksperto

Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, indeks at hanguang elektroniko o internet. Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin. Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer prinouts at iba pang sanggunian.

Pangangalap Ng Mga Datos,impormasyon At Sanggunian By Kim Roldan

Uri ng Kard katalog a. Kard ng Paksa – ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa mananaliksik ay ang kanyang paksang tatalakayin. Halimba: PHILIPPINE POETRY (FILIPINO) F PL R9 Rubin, Ligaya tiamson P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan 2000 Ligaya tiamson-Rubin.- Manila: De La Salle UniversityPress, Inc. c2000 179 p. 23 cm ISBN 1. Philippine poetry (Filipino). I. Title

PANGANGALAP

12 b. Kard ng awtor – ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kanyang paksa. Halimbawa: RUBIN, LT. F PL R9 Rubin, Ligaya Tiamson P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan Ligaya, Tiamson-Rubin. - Manila: De La Salle University Press, INC. c2000 179 p.23cm ISBN 1. Philippine poetry (Filipino). I. Title

C. Kard ng Pamagat – ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong pamilyar na sa iba. Halimbawa: Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay F PL R.9 Rubin, Ligaya Tiamson P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan Ligaya Tiamson-Rubin. – Manila: De La Salle University Press, INC. c2000 179 p. 23cm ISBN 1. Philippine poetry (Filipino). I. Title

Filipino5 Q3 Wk8.pdf

14 Sa ikalawang yugto, pagsusuri ng mga nakuhang impormasyon o datos ang dapat isagawa. Gamitn ang mga nakasanayang browsing, skimming at scanning sa mga aklat at artikulong posibleng magamit sa pagsulat ng pananaliksik. Ang mga sumusunod ay gabay na tanong sa pagsusuri ng nakalap na sanggunian: a. Ano ang kaugnayan nito sa paksa? Tiyaking ang mga impormasyon sa sanggunian ay tumatalakay sa paksa ng pananaliksik. Maggamit mo ba ang aklat sa sayaw na pamana ng mgfa dayuhan halimbawa sa paksang katutubong sayaw?

Gaano kahalaga ang impormasyong makukuha ukol sa pag-awit mula sa akdang isinulat ng isang mananayaw? c. Makatotohanan ba ito? Ang pagiging makatotohanan ay hindi lamang nasusukat sa may-akda. Ang ikatlong yugto ay ang pagbabasa at pagtatala ng mga impormasyon o datos mula sa mga napiling sangguniang.

-

Ang interbyu ay isang uri ng pasalitang diskukrso ng dalawang tao o ng isang pangkat at isang indibidwal – ang una’y interbyuwer at ang ikalawa’y interbyuwi. Ang interbyu ay maaring itinatakda – ang petsa, araw, oras at lugar – at maaring namang hindi depende sa abeylabiliti ng dalawang panig. Itinatakda man o hindi, masusi ang ginagawang paghahanda bago ganapin ang interbyu. Ang layunin ng interbyu ay makakuha ng mga mapanghahawakang mahahalagang impormasyon mula sa interbyuwi hinggil sa isang tiyak na paksa. Mangyari pa, upang maging matibay ang impormasyon,

Salaksak Xvii Newsletter

Kailangang maging maingat sa pagpili ng interbyuwi.Samakatwid, mas awtoridad, mas dalubhasa, mas mabuti. Sa pananaliksik, ang interbyu ay isang napakamakabuluhang paraan ng pagkuha ng mga impormasyon na magagamit sa pagsulat ng papel- pampananaliksik. Isa rin itong mabisang paraan ng pagbe-verify ng mga datos o impormasyong nakalap sa mga nakasulat na hanguan at isang pagkakataon upang maapdeyt ang mga impormasyon o datos tungkol sa mga makabagong debelopment hinggil sa isang larangan o tiyak na paksa na maaaring hindi pa nalathala. Bukod sa nabanggit na, ang mga nakalap na impormasyon o datos sa interbyu ay maaari ring magsilbing suporta sa mga impormasyong first-hand mula sa iba’t ibang hanguan o sorses.

18 Pagpili ng Interbyuwi Ang sa mga pangunahing konsiderasyon sa pagpili ng taong iinterbyuwin ay ang awtoriti ng interbyuwi hinggil sa paksa ng pananaliksik. Ang mga ispesipik na katangiang dapat taglayin ng isang taong iinterbyuwin, kung gayon, ang sumunod. a. May malawak na kaalaman. May sapat ba siyang kaalaman sa paksa ng pananaliksik? May awtoriti ba siya upang magbigay nng mga hinihinging datos o impormasyon. b. Relayabol. Maaaring maibigay ng interbyuwi ang mga impormasyong kailangan ngunit kalimitan, hindi lahat ng impormasyon ay angkop sa ginagawang pananaliksik.

19 May mga dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi maaaring panghawakan ang mga datos o impormasyong naibigay ng interbyuwi. Samakatwid, kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod na tanong: 1. Siya ba ay makatotohanan? Maaari bang paniwalaan ang kanyang mga pahayag? 2. Makatwiran ba ang kanyang pananaw? Kalimitan, may mga sariling pananaw ang interbyuwi na nagiging dahilan upang maging biased ang kanyang mga ipinahahayag. Kailangang maging maingat at palamasid, kung gayon. c. Abeylabol. Gaano man katalino ang interbyuwi, hindi iyon magkakaroon ng silbi kapag hindi tumutugma ang kanyang iskedyul sa mga interbyuwer.

Pangangalap

Filipino 6 Modyul 14: Gamit Ng Pangkalahatang Sanggunian Sa Pagsasaliksik

At dalubhasa ay mga taong mahirap kunan ng pahayag dahil na rin sa pagiging abala. Minsan ang kalikasan ng pananaliksik ay mangangailangan ng interbyu hindi lamang sa isang tao. Sa ganitong pagkakataon, kailangang maglaan ng sapat na panahon upang ang lahat ng dapat interbyuhin ay makunan ng datos o impormasyong kinakailangan.

Sina Arrogante, et al. (1983) ay nagbigfay ng ilang tagubilin na dapat tandaan bago mag-interbyu, sa takdang oras, sa oras ng pag-uusap at pagkatapos ng pag-uusap. a. Bago Mag-interbyu 1. Tiyakin muna ang layunin ng interbyu. 2. Pumili ng interbyuwing nagtataglay ng mga katangiang natalakay. 3. Itakda ang interbyu. Alamin ang abeylabiliti at preperd na lugar at oras ng interbyuwi. ng sulat. (Pansinin ang halimbawang sulat na nasa Apendiks).

22 b. Sa Takdang Oras 1. Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras sa napagkasunduang lugar. 2. Magalang na magpakilala at ipaalala ang pakay. 3. Maging masigla at magtiwala sa sarili. c. Sa Oras ng Pag-uusap 1. Maging tuwiran at matalino sa pagtatanong. Iwasan ang mga tanong na sinasagot lamang ng oo at hindi. 2. Magpakita ng kawilihan sa interbyu. 3. Huwag gambalain o putulin ang pagsasalita ng inetrbyuwi. 4. Huwag labis na pakahon sa mga inihandang gabay na tanong, subalit umiwas din sa paglihis sa paksa ng interbyu.

Paano Nakakatutulong Ang Paggamit Ng Sanggunian Sa Pagkalap Ng Impormasyon 2. Isa Isahin Ang Mga Uri Ng

23 5. Makinig nang mabuti. 6. Itala ang mga kinakailanganing mahahalagang kaalaman sa di-kapansin-pansin g paraan. 7. Huwag makipagtalo sa interbyuwi. 8. Maging magalang sa kabuuan ng interbyu. d. Pagkatapos ng Pag-uusap 1. Huwag pabigla-bigla sa pagtapos ng interbyu. 2. Iayos kapagdaka ang mga datos o impormasyong naitala. 3. Kung nakateyp ang interbyu, itranskrayb agad iyon. (Pansinin ang transkip ng isang interbyu na nasa Apendiks).

ARALIN2FILIPINO

24 4. Sakaling may alinlangan hinggil sa kawastuhan ng tuwirang sinabi ing

LihatTutupKomentar