Iba't Ibang Uri ng Kanser at ang Kanilang Sintomas Impormasyon at Pangangalaga

Iba't Ibang Uri ng Kanser at ang Kanilang Sintomas Impormasyon at Pangangalaga

Ang Metastasis o Sakit na metastatiko (Ingles: Metastasis) ang pagkalat ng sakit mula sa isang organo o bahagi sa iba pang hindi katabing organo o bahagi. Nakaraang pinaniwalaan na tanging mga malignanteng tumor na selula at mga impeksiyon ang may kakayahang mag-metastasis. Gayunpaman, ito ay muling binigyan ng pagsasaalang alan dahil sa bagong pagsasaliksik. Ang salitang metastasis ay nangangahulugang pag-alis sa lugar sa Griyego mula sa μετά, meta, kasunod, at στάσις, stasis, paglalagay. Ang plural nito ay metastases.

Ang kanser ay maaaring mangyari pagkatapos na ang isang selula sa isang tisyu ay patuloy na henetikong napinsala upang lumika ng kanser na selulang sangay na nag-aangkin ng penotipong malignante. Ang mga kanser na selulang sangay na ito ay may kakayahan sumailalim sa hindi makokontrol na abnormal na mitosis na nagsisilbi upang pataasin ang bilang mga selulang kanser sa lugar na ito. Kapat ang lugar ng mga selulang kanser sa pinagmulang lugar ay naging klinikal na matutukoy, ito ay tinatawag na pangunahing tumor. Ang ilang mga selulang kanser ay maaari ring magkamit ng kakayahan na makatagos at makapasok sa mga nakapaligid na normal na tisyu sa lokal na area at bumuo ng bagong tumor. Ang bagong nabuong anak na tumor sa katabing lugar sa loob ng tisyu ay tinatawag na lokal na metastasis.

HindiKanser Sa Suso - Iba T Ibang Uri Ng Kanser At Ang Kanilang Sintomas Impormasyon At Pangangalaga />

Ang ilang mga selulang kanser ay maaaring mag-angkin ng kakayahang makatagos sa mga pader ng limpatiko at/o mga besel ng dugo na pagkatapos nito ay nagkakaroon ng kakayahan na sumirkula sa daloy ng dugo (sumisirkulang mga selulang tumor) sa iba pang mga lugar at tisyu sa katawan. Ang prosesong ito ay tinatawag na pagkalat na lymphatic o hematogeneous.

Cancer Sa Bibig O Mouth Cancer: Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Pagkatapos na ang mga selulang tumor ay humimlay sa ibang lugar, ang mga ito ay muling tumatagos sa besel o mga pader, patuloy na dumadami at kalaunan ay isa pang klinikal na matutukoy na tumor ay mabubuo. Ang bagong tumor na ito ay tinatawag na metastatiko(o pangalawang) tumor. Ang metastasis ang isa sa taong pinakakilalang mga tanda ng pagiging malignante na salungat sa sa mga benign na tumor. Ang karamihan sa mga tumor at iba pang mga neoplasma ay maaaring mag-metastasis bagaman sa iba't ibang antas(halimbawa ang selulang basal na karsinoma ay bihirang mag-metastasis).

Kapag ang mga selulang tumor ay nag-metastasis, ang bagong tumor ay tinatawag na panglawa o metastatikong tumor at ang mga selula nito ay tulad ng sa orihinal na tumor. Ang ibig sabihin, halimbawa kung ang kanser sa suso ay nag-metastasis sa mga baga, ang ikalawang tumor ay binubuo ng mga abnormal selula ng suso, hindi ng abnormal na selula ng baga. Ang tumor na nasa baga ay tinatawag naman na metastatikong kanser sa suso at hindi kanser sa baga.

Ang mga sintomas ng metastasis ay iba't iba sa lokasyon ng mga tumor. Sa simula, ang kalapit na mga kulani(lymph nodes) ay tinatamaan ng maaga.

Mga Sintomas Ng Ovarian Cancer

Ang mga metastatikong tumor ay napaka karaniwan sa mga huling yugtong(late stage) na kanser. Ang pagkalat ng metastases ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng duo o mga kulani o sa parehong mga rutang ito. Ang pinakaraniwang mga lugar para sa metastases na mangyari ang mga baga, atay, utak at buto.

Ang metastasis ay isang komplikadong sunod sunod na mga hakbang kung saan ang mga selula ng kanser ay umaalis sa orihinal na lokasyon ng tumor at lumilipat sa ibang mga bahagi ng katawan sa pamamagitan ng daloyngdugo o sistemang lympatiko(kulani). Upang magawa ito, ang mga selulang malignante ay bumabaklas mula sa pangunahing tumor at dumidikit sa at sumisira ng mga protina na bumubuo sa nakapaligid na ekstraselular na matriks(ECM) na naghihiwalay sa tumor mula sa katabing tisyu. Sa pagsira ng mga protinang ito, ang mga selulang kanser ay nagagawang labagin ang ECM at makatakas. Kapag ang kanser sa bibig ay nag-metastasis, ang mga ito ay karaniwang naglalakbay sa pamamagitan ng sistemang lympatiko sa kulani sa leeg. Ang katawan ay lumalabas sa metastasis sa pamamagitan ng iba't ibang mga mekanismo sa pamamagitan ng mga aksiyn ng isang klase ng mga protinang tinatawag na tagasupil ng metastasis(metastasis supressor) na ang ilang dosena nito ay alam.

Ang mga mananaliksik ng kanser na nag-aaral ng mga kondisyon na kailangan sa metastasis ng kanser ay natuklasan ang isa sa mga mahalagang pangyayaring kailangan ang paglago ng bagong network ng mga besel ng dugo na tinatawag na angiogenesis ng tumor.

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Cervical Cancer

May ilang mga iba't ibang uri ng selula na mahalaga sa paglago ng tumor. Sa partiklular, ang [[selulang endothelial progenitor ay napakahalaga sa populasyon ng selula sa paglago ng tumor sa besel ng dugo. Ang pagkakatuklas na ito ay naipakita sa malaking epektong mga dyornal na Agham (2008) at Genes at Pag-unlad(2007) na nagpakita ring ang mga selulang endothelial progenitor ay kritikal(mahalaga) para sa metastasis at angiogenesis.

-

Ang kahalagan ng mga selulang endothelial progenitor sa paglago ng tumor, angiogenesis at metastasis ay napatibayan ng kamakailang publikasyon sa Pagsasalik sa Kanser(Agosto 2010). Ang unang papel na ito ay nagpapakitang ang mga selulang endothelial progenitor ay maaaring tandaan gamit ang Tagapigil ng Pagbibigkis ng DNA1 (ID1). Ang kakaibang pagkakatuklas na ito ay nangahulugan nagawa ng mga imbestigador na sundan ang mga selulang endothelial progenitor mula sa marrow ng buto hanggang sa dugo sa tumor-stroma at kahit isinama sa baskulatura(kaayusan ng mga besel ng dugo) ng tumor. Sa karagdagan, ang ablasyon ng mga selulang endothelial progenitor sa marrow ng dugo ay nagdudulot ng malaking pagbabawas ng paglago ng tumor at pag-unlad na baskulatura. Kaya ang mga selulang endothelial progenitor ay napakahalaga sa biolohiya ng tumor at nagbibigay ng kakaiba at bagong mga inaasintang terapeutiko(nagpapagaling).

Mga pangunahing lugar ng metastasis para sa ilang mga karaniwang uri ng kanser. Ang mga pangunahing kanser ay tinutukoy ng ...cancer at ang kanilang pangunahing lugar ng metastasis ay tinutukoy ng ...metastases.

Mga Carcinogens At Paano Nagdudulot Ng Kanser

Ang pagkalat sa mga kabidad ng katawan ay nangyayari sa pagbibinhi(pagdami) sa ibabaw ng peritoneal, pleural, pericardial, at subarachnoid na mga espasyo. Halimbawa, ang tumor sa obaryo ay kumakalat nang transperitoneal sa ibabaw ng atay. Ang mesothelioma ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng kabidad na pleural.

Ang pananakop sa sistemang lymphatiko ay sinusundan ng paghahatid ng mga selulang tumor sa rehiyonal na mga nodo at pinakahuli ay sa huling mga bahagi ng katawan. Ito ang pinaka karaniwang ruta ng metastasis para sa karsinoma.

Metastasis

Ito ay tipikal sa lahat ng mga sarcoma ngunit ito ang pinapaborang ruta sa ilang mga karsinoma gaya ng mga nagmumula sa bato). Dahil sa kanilang mas manipis na mga pader, ang mga vein ay mas malimit na sinasakop kesa sa mga arterya at ang metastasis ay sumusunod ng paterno ng mga pagdaloy ng vein.

Mga Sintomas Ng Lymphoma

Ito ang mekanikal na pagdadala ng mga pragmento ng mga selulang tumor ng mga instrumentang siruhikal habang isinasagawa ang isang operasyon o paggamit ng mga karayom habang isisinasagawa ang mga pamamarang diagnostiko.

Ang mga selulang kanser ay maaaring kumalat sa kulani(lymph node) malapit sa pangunahing tumor. Ito ay tinatawag na nodal na pagkasangkot, positibong mga nodo, o rehiyonal na sakit. Ang mga positibong nodo ay isang temrnio na ginagamit ng mga espesyalistang medikal upang ilarawan ang kalagayan ng pasyente na ang ibig sabihin ay ang mga kulani ng pasyente malapit sa pangunahing tumor ay nasubok(tested) na positibo sa pagiging malignante. Karaniwang kasanayang medikal na sumubok sa pamamagitan ng biopsiya ang hindi bababa sa dalawang mga kulani malapit sa lugar ng tumor kung gagawa ng suriya o operayson upang suriin o alisin ang tumor. Ang mga naging lokal na pagkalat hanggang sa rehiyonal na kulani malapit sa pangunahing tumor ay hindi normal na binibilang bilang metastasis bagaman ito ay tanda ng malalang prognosis. Ang paghahatid sa pamamagitan ng mga kulani ang pinakakaraniwang daanan para sa inisyal na pagkalat ng karsinoma.

May kagawian ang ilang mga tumor na magbinhi sa mga partikular na organo. Ito ay unang tinalakay bilang binhi at lupang teoriya ni Stephen Paget na higit sa isang siglo ang nakalilipas noong 1889. Halimbawa, ang kanser sa prostate ay kaniwang nagme-metastasis sa mga buto. Sa parehong pamamaraan, ang kanser sa bituka ay may kagawiang mag-metastasis sa atay. Ang kanser sa tiyan ay kalimitang nagme-metastasis sa obaryo sa mga kababaihan na tinatawag na Krukenberg tumor.

Iba't

Kanser: Tamang Pag Iwas At Pag Galing

Ayon sa teoriyang binhi at lupa mahirap para sa mga selulang kanser na makapagpatuloy sa labas ng kanilang pinagmulang rehiyon kaya upang mag-metastasis, kailangan silang humanap ng lokasyon ng parehong mga katangian.

Halimbawa, ang mga selula ng tumor ng suso na nagtitipon ng mga ion ng calcium mula sa gatas ng suso ay nagme-metastasis sa tisyu ng buto kung saan ang mga ito ay maaaring magtipon ng mga ion ng calcium mula sa buto. Ang malignanteng melanoma ay kumakalat sa utak na ipinagpapalagay na dahil ang neural na tisyu at melanocyte ay lumilitaw mula sa parehong linya ng selula sa embryo.

Noong 1928, hinamon ni James Ewing ang teoriyang binhi at lupa at nagmungkahing ang metastasis ay purong nangyayari sa pamamagitan ng mga anatomiko at mekanikal na ruta.

Sintomas Ng Tumor Sa Ulo: Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Brain Tumor

Tineoriyang ang metastastis ay palaging nagkakataon sa isang pangunahing kanser at sa gayon, ay isang tumor na nagmula mula sa isang selulang kanser o mga sela sa ibang bahagi ng katawan. Gayunpaman, higit sa 10% ng mga pasyenteng humaharap sa unit ng onkolohiya ay may metastases nang walang pangunahing tumor na natuklasan. Sa mga kasong ito, tinutukoy

Mga

LihatTutupKomentar